^

PSN Palaro

Azkals binokya ng North Korea, 0-2

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Bumigay ang depensa ng Philippine Azkals sa second half dahilan upang maitakas ng North Ko­rea ang 2-0 panalo sa 2012 AFC Challenge Cup kagabi sa Halchowk Stadium, Kathmandu, Nepal.

Nailusot ni Korean team captain Park Nam Chol ang isang header mula sa cross mula sa kali­wang side ni Jong-il Gwan para sa unang goal ng laro may 58 minute sa orasan.

Ang ikalawang goal ng koponang naglaro sa World Cup noong 2010, ay hatid ng pamalit na si Jang Kuk-Chol nang na­ging alisto ito matapos sipain ang bolang nabitiwan ni Azkals goalie Neil Etheridge sa 70th minute.

Ang masamang se­cond half game ang nag­­santabi sa solidong ipinakita ng Azkals sa first half nang naki­pagsabayan sila sa Koreans, ang 2010 Challenge Cup champions, sa paglatag ng matinding depensa upang mauwi sa 0-0 ang iskor matapos ang 45 minutong paglalaro.

Sa pagkataong ito, ang Pilipinas na nasa Group B sa walong koponang liga ay kailangang manalo laban sa India bukas sa ga­nap na alas-7 ng gabi upang manatiling palaban sa unang dalawang puwesto sa grupo na aabante sa semifinals.

Huling asignatura ng Pilipinas na huling naglaro sa Challenge Cup ay noon pang 2006, ay ang Tajikis­tan sa Marso 13.

Samantala, nangungu­na naman sa Group A ang Turkmenistan at Palestine nang magwagi sila sa kanilang unang laro.

Tinalo ng Turkmenis­tan ang Maldives, 3-1, habang umukit ng 2-0 pa­nalo ang Palestine sa host team.

AZKALS

CHALLENGE CUP

GROUP A

GROUP B

HALCHOWK STADIUM

JANG KUK-CHOL

NEIL ETHERIDGE

NORTH KO

PARK NAM CHOL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with