^

PSN Palaro

PFF-Suzuki Cup U-23 hahataw sa Dumaguete

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Hahataw na sa Marso 18 sa Dumaguete City ang aksyon sa ikalawang PFF-Suzuki Cup National Men’s Under-23 Championship.

Ang kompetisyon ay lalahukan ng 33 provincial football associations na sakop ng PFF at layunin ng palarong tatagal ng isang taon ang bigyan ng pagkakataon ang mga batang booters na maipakita ang kanilang angking husay bukod sa paggamit ng NSA na makapili ng manlalarong maaaring ilaban sa 2013 SEA Games sa Myanmar.

“Nagpapasalamat kami sa Suzuki Philippines dahil patuloy nilang sinusuporta­han ang torneong ito na mahalaga sa grassroots program ng PFF,” wika ng pangulo ng NSA na si Mariano “Nonong” Araneta.

Nagkasara ang pagtutulungan sa ikalawang pagkakataon nang lumagda sa isang Memorandum of Agreement ang PFF ni Araneta at ni Satoshi Uchida na siyang pangulo ng Suzuki Philippines kaha­pon sa PFF office.

 Lumabas na kampeon noong nakaraang taon na ang labanan ay tumagal lamang ng tatlong buwan, ang Negros Occidental at si Joshua Beloya ang isa sa mga nadiskubre sa torneo na naglaro sa 26th SEAG sa Indonesia at lumabas bilang top scorer sa kanyang inangking tatlong goals.

 Nananalig ang PFF at Suzuki Philippines na maraming Beloya ang matutuklasan sa taong ito dahil sa dami ng kalahok at mas matagal na aksyon sa liga.

 Tig-dalawang koponan mula Luzon, Visayas at Mindanao ang maglalaban-laban sa National Finals na katatampukan pa rin ng home and away games mula sa semifinals hanggang finals.

ARANETA

BELOYA

DUMAGUETE CITY

JOSHUA BELOYA

MEMORANDUM OF AGREEMENT

NATIONAL FINALS

NEGROS OCCIDENTAL

SATOSHI UCHIDA

SUZUKI CUP NATIONAL MEN

SUZUKI PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with