^

PSN Palaro

Imbestigasyon ng AFC sa 2 Azkals, pinalagan ni Araneta

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Inaalam ngayon ng Phi­lippine Football Federation (PFF) sa Asian Football Confederation (AFC) kung sino sa kanilang dalawa ang dapat na manguna sa imbestigasyon patungkol sa sexual harassment na idinulog ni Cristy Ramos la­ban sa mga Azkals pla­yers na sina Lexton Moy at Angel Guirado.

Ayon sa pangulo ng PFF na si Mariano “No­nong” Araneta, nakasaad sa Article 70 at 71 sa AFC Disciplinary code na ang host country na nagsa­ga­wa ng friendly game ang siyang dapat na mag-im­bes­tiga sakaling may mga problemang lalabas matapos ang palaro.

Si Ramos ay nagsampa ng kanyang reklamo sa AFC bilang match commissioner ng tagisan ng Azkals at Malaysia Tigers noong Pebrero 29 sa Rizal Memorial Football Pitch.

“Nakalagay sa discipli­nary code na kung mayroong disciplinary infringement na mangyayari sa isang friendly game, ang mag-action niyan ay ang host, in this case the PFF. Hindi naman kasi AFC ang nag-organize nito kundi sanctioned lamang ang kanilang ibinigay,” wika ni Araneta na ipinadala ang liham sa AFC noong Martes.

Kasabay nito ay nagpa­hayag ng kalungkutan si Araneta sa patuloy na pagpapahayag ng mga komentaryo ang mga taong nasangkot at iba pa.

Inakusahan ni Ramos, anak ng dating Pangulong Fidel V. Ramos at ngayon ay opisyales sa women’s committee sa AFC at FIFA, ng sexual harassment si­na Moy at Guirado nang maghayag umano ang una sa size ng bra ni Ramos at ang huli ay humarap ng naka briefs.  

Kumilos na ang discipli­nary committee na pinamumunuan ni Atty. Eric Ingles at pinadalhan ng liham ang nagreklamo at inire­reklamo na magpahayag ng kani-kanilang komento sa nang­yari.

Dahil sina Guirado at Moy ay nasa Nepal at ka­sa­­ma ng Azkals na lalaro sa AFC Challenge Cup, sila ay magbibigay ng kanilang komento 24 oras matapos makabalik sa bansa sa su­sunod na linggo.

vuukle comment

AFC

ANGEL GUIRADO

ARANETA

ASIAN FOOTBALL CONFEDERATION

AZKALS

CHALLENGE CUP

CRISTY RAMOS

ERIC INGLES

RAMOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with