PNP giba sa STARmen, No. 1 sa semis
MANILA, Philippines - Bumangon ang The Philippine STAR mula sa isang 12-point deficit sa likod ni Ver Roque para igupo ang Philippine National Police, 86-79, at angkinin ang top seeding sa Final Four ng 2012 Cong. Neptali “Boyet” Gonzales Cup sa RTU gym sa Mandaluyong City kamakailan.
Umiskor sina Roque at Lester Reyes ng tig-20 points para igiya ang STARmen sa kanilang 8-1 rekord papasok sa semifinals.
Ang panalo ay nagbigay sa STARmen nina coach Alfred Bartolome at team manager Mike Maneze ng No. 1 seed sa semis kasama ang Gerry’s Grill (No. 2) na may 6-2 karta at bitbit ang ‘twice-to-beat’ advantage.
Pag-aagawan ng Live Green at PNP ang No. 3 semis berth, habang maglalaban naman ang Plainview at Nougat para sa No. 4 slot bukas.
Nagdagdag naman sina Gio Coquilla at Dennis Rodriguez ng 15 at 13 points, ayon sa pagkakasunod, para sa STARmen.
Nailista ng PNP ang isang 12-point lead sa huling tatlong minuto ng fourth quartes mula kina ex-PBA player Estong Ballesteros at dating UE standout Olan Omiping.
Nagtuwang naman sina Roque, Cris Corbin, Gerald Ortega at Art Dimas para sa pagresbak ng The Star kasabay ng paglimita kina Ballesteros at Omiping na umiskor ng 21 at 20 points, ayon sa pagkakasunod.
Sa isa pang laban, ginapi ng Live Green ang Plainview Custodial, 95-90 kung saan kumana si Tam Mateo ng limang tres para sa kanyang 15 puntos.
STAR 86--Reyes 20, Roque 20, Coquilla 15, Rodriguez 13, Corbin 6, Ortega 4, Dimas 2, Geocada 2, Sanggalang 2, Tabang 2, Martinez 0, Reducto 0.
PNP 79 - Ballesteros 21, Omiping 20, Criste 15, Lata 10, Misola 7, Delos Santos 4, Decena 2.
- Latest
- Trending