Suarez sumuntok ng upset

MANILA, Philippines - Nagposte si Filipino ama­teur boxing standout Charly Suarez ng mala-king panalo sa quarterfinal round ng World Series of Boxing.

Tinalo ni Suarez si World No. 4 Semen Gri­ba­chev ng Azerbaijan, 3-0, ng tropa ng Baku Fires para sa koponan ng Mumbai Figh­ters ng India, isa sa 12 international franchises sa ligang inorganisa ng International Boxing Association (AIBA), ang international federation para sa amateur boxing.

Ginitla ng 23-anyos na Davaoeño power-puncher ang Azeri fighter mula sa kanyang mga matutulis na jabs at kombinasyon.

Nagpilit namang bumalik ang 27-anyos na Aze­ri veteran sa third round ngunit sa huli ay lumitaw ang dominasyon sa kanya ni Suarez.

Ang panalo ni Suarez ang nagbigay sa Mumbai Fighters ng 3-2 tagumpay laban sa Baku Fires.

Sinabi ni Nitin Beri, ang vice-president ng Mumbai Fighters, sa Amateur Bo­xing Association of the Phi­lippines na kaagad silang gagawa ng panibagong kon­trata para mapasamang muli si Suarez sa line-up ng Mumbai Fighters sa susunod na taon.

Show comments