Kings, Tigers maghihiwalay

MANILA, Philippines - Ipaparada ng Gin Kings ang bagong import na si Jackson Vroman, samantalang hangad naman ng Boosters ang kanilang ikalawang sunod na panalo.

Sasagupain ng Baran­gay Ginebra ang Po­werade ngayong alas-4:15 ng hapon kasunod ang laro ng Petron Blaze at Rain or Shine sa alas-6:30 ng gabi sa elimination round ng 2012 PBA Commissioner’s Cup sa Yñares Center sa Antipolo City.

Ang 6-foot-10 na si Vro­­man, isang natura­li­zed player ng Lebanon, ang ipinalit ng Gin Kings kay 7’1 Chris Alexander na nagdala sa kanila sa kampeonato ng 2008 PBA Commissioner’s Cup.

Tangan ng nagdedepensang Talk ‘N Text ang liderato sa bisa ng kanilang 3-0 baraha kasunod ang Powerade (2-1), Ginebra (2-1) Alaska (3-2), Petron Blaze (2-2), B-Meg (2-2), Air21 (1-1), Barako Bull (2-3), Rain or Shine (1-3) at Meralco.

Kasalukuyan pang nag­­lalaro ang Llamados at ang Express sa Tacloban City habang isinusulat ito.

Ang four-year NBA ve­teran na si Vroman ay nag­laro para sa Phoenix Suns at New Orleans Hornets at inaasahang magbibigay sa Ginebra ng lakas sa sha­ded lane katapat ni Dwayne Jones ng Powerade.

Ang California native na si Vroman ay kumampanya na din sa Spain, Lithuania, South Korea at China.

Nanggaling ang Gin Kings sa isang 99-98 paglusot laban sa Elasto Painters noong Pebrero 24 sa Dubai, United Arab Emirates na siyang naging huling laro ni Alexander.

Natikman naman ng Ti­gers ang kanilang unang kabiguan sa mga kamay ng Energy, 91-101, noong Biyernes.

Sa ikalawang laro, ha­ngad ng Boosters na ma­sundan ang kanilang 102-88 paggiba sa Express noong Pebrero 29 para sa kanilang pakikipagharap sa Elasto Painters.

Show comments