^

PSN Palaro

Bulldogs may maipagmamalaki na

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Umalingawngaw uli ang tahol ng mga Natio­nal University Bulldogs nang kanilang talunin ang Ateneo, 5-4, upang hira­nging kampeon sa 74th UAAP baseball na nagta­pos kahapon sa Rizal Memorial Diamond.

Si Aries Oruga ay nagbigay lamang ng 9 na hits at 4 runs sa isa pang walang patid na pagpukol sa nine-inning game habang ang Bulldogs batters ay kinapitalisa ang dalawang errors sa huling inning ng Eagles para basagin ang huling tabla sa 4-4.

Matapos ang leadoff single ni MJ Gante ay hiniritan ni fourth pitcher Adrianne Bernardo ng easy flyouts sina Alfredo Olivares at Aprix Santos upang maghiyawan sa tuwa ang mga panatiko ng Eagles dahil isang out na lamang at sila na ang papalo.

Pero sa halip na pagtuunan na lamang ang batter na si Mark Anthony Elic ay tinangka pa ni Bernardo na patalsikin sa first base si Gante bagay na hindi nangyari dahil isang throwing error ang kanyang naitala.

Umabante si Gante sa second at napaabot pa sa third at ang paghihirap niya ay hindi nasayang dahil isa pang error ni centerfielder na si Kirk Long ang nangyari para ibigay ang kalamangan sa NU.

Ang isang easy flyball sa hataw ni Elic ay nabitiwan ni Long upang manga­ilangan ng dalawa runs ang Eagles sa huling palo.

Hindi na nagbigay pa ng pagkakataon si Oruga nang hiritan ng flyout at strikeout ang mga pinch-hitters na sina Chip Esguerra at Boc Boc Bernardo habang isang flyout sa second base ang kinuha niya laban kay Bernardo tungo sa magarbong sigawan mula sa kanilang tagahanga.

Taong 1966 at 1967 nang huling nangibabaw ang Bulldogs nang magtala ng back-to-back ang kanilang inilabang koponan.

Si Oruga na ginamit ang iba’t-ibang bola para lituhin ang Eagles ang siyang lumabas bilang Best Pitcher at Most Valuable Player habang si Matt Laurel ng Ateneo ang hinirang bilang Most RBI, Most Home Runs at Best Slugger sa season.

vuukle comment

ADRIANNE BERNARDO

ALFREDO OLIVARES

APRIX SANTOS

ATENEO

BERNARDO

BEST PITCHER

BEST SLUGGER

BOC BOC BERNARDO

CHIP ESGUERRA

KIRK LONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with