^

PSN Palaro

Warriors nalusutan ng Beermen sa OT

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Naipasok ng San Mi­guel Beermen ang anim sa walong freethrows na ibinigay sa kanila sa overtime upang maitakas ang 81-77 panalo laban sa kinapos na Indonesia Warriors sa 3rd AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) kagabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

 Kinailangan ng Beermen na humabol mula sa 12 puntos na pagkakaiwan sa pagtatapos ng ikatlong yugto (51-63) at sa pamamagitan nina Dalron Johnson, Leo Avenido, Junmar Fajardo at Froilan Baguion ay naitabla ang laro sa 75-all sa regulation.

 Si Johnson ay mayroong 27 puntos, 12 rito sa huling yugto, bukod pa sa 16 rebunds habang sina Avenido, Baguion at Fajar­do ay naghatid ng 17, 14 at 12 puntos upang makabangon ang Beermen sa pagkatalo sa Westports Malaysia Dragons tungo sa 6-3 karta.

Si Baguion ay naghatid din ng 9 assists habang si Fajardo ay kumulekta ng 7 rebounds, 1 assist, 1 steal at 1 block para punuan ang puwesto ng bagong import na si 6’11” Jarred Famous na naglaro lamang sa 15 minuto at hindi nakaiskor bagamat may 5 rebounds.

 Nasayang ang inilistang 19 puntos ni Larry Smith at ang 18 puntos at 9 assists ni Mario Wuysang dahil natahimik ang Warriors sa overtime nang magsasablay sa mahalagang opensa para malaglag sa 4-5 baraha

Si Wuysang at Roni Gunawan ay minalas na hindi naipasok ang magkasunod na buslo sa tres sa huling 25 segundo bago tinapos ni Baguion ang labanan sa split sa 15-foot line. 

BAGUION

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

DALRON JOHNSON

FROILAN BAGUION

INDONESIA WARRIORS

JARRED FAMOUS

JUNMAR FAJARDO

LARRY SMITH

LEO AVENIDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with