^

PSN Palaro

Famous ibabandera ng Beermen vs Warriors sa ABL

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Pilit na babangon ang San Miguel Beermen matapos lumasap ng mapait na kabiguan sa homecourt sa pagbangga ngayong gabi sa Indonesia Warriors sa 3rd ASEAN Basketball League (ABL) sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ganap na alas-6 ng gabi itinakda ang bakbakan at ang Beermen ay magnanais na ibaon sa limot ang 73-70 kabiguan sa kamay ng Westports Malaysia Dragons noong nakaraang Sabado sa nasabing venue.

May 5-3 karta ang expansion team ng koponan at pinalakas pa ng tropa ni coach Bobby Ray Parks ang laban sa paghugot kay 6’11” Jarrid Famous upang makahalili ni Doug Thomas.

Si Famous ay naglaro ng tatlong asignatura sa Meralco Bolts sa idinadaos na PBA Commissioner’s Cup at kahit isang panalo lamang ang kanyang naibigay ay umani siya ng res­petadong 26 puntos, 15 rebounds, 2 assists at 1.67 blocks average.

Inaasahang susuportahan siya ni Dalron Johnson pero dapat ding magpakitang-gilas uli ang mga locals para magkaroon ng malakas na simula ang home team, bagay na hindi nangyari sa huling laban.

“From the very start, we have to do better job defensively so that won’t happen to us again. We will made the adjustments,” pahayag ni Parks.

Nangunguna pa rin ang Philippine Patriots sa 7-1 ha­bang nasa ikalawang pu­westo ang Dragons sa 6-2 karta.

vuukle comment

BASKETBALL LEAGUE

BOBBY RAY PARKS

DALRON JOHNSON

DOUG THOMAS

INDONESIA WARRIORS

JARRID FAMOUS

MERALCO BOLTS

PASIG CITY

PHILIPPINE PATRIOTS

SAN MIGUEL BEERMEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with