MANILA, Philippines - Dadaluhan ng mga top sports officials ang Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night sa kanilang pagkilala sa mga top achievers ng 2011 sa isang formal rite sa Manila Hotel sa Sabado.
Sina International Olympic Committee (IOC) representative to the Philippines Frank Elizalde, Philippine Olympic Committee (POC) president Jose `Peping’ Cojuangco, Jr. at Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia ang mangunguna sa mga opisyales.
Inaasahan ring dadalo sa awards night ng pinakamatandang media organization at inihahandog ng Smart sina sports commissioners Chito Loyzaga, Buddy Andrada, Akiko Thomson-Guevarra, Jolly Gomez at pinuno ng mga National Sports Associations (NSAs), mga kaibigan at supporters ng Philippine sports.
Makakasalamuha rin ni Vice-President Jejomar Binay, pangulo ng Philippine Badminton Association (PBA), ang kanyang mga kapwa NSA officials sa kanyang pagiging keynote speaker at guest of honor sa okasyon na isasaere ng DZSR Sports Radio 918 katuwang ang mga presentors na Milo, Coca-Cola at PSC.
Kabuuang 85 awardees ang kasama sa 2011 PSA honor roll sa pangunguna nina co-Athlete of the Year winners Nonito Donaire Jr. at Dennis Orcollo.
Nakuha ni Donaire ang World Boxing Organization (WBO) at World Boxing Council (WBC) bantamweight title buhat sa kanyang second round KO win kay Mexican Fernando Montiel.
Matagumpay niya itong naidepensa laban kay Omar Andres Narvaez ng Argeantina. Nakamit naman ni Orcollo ang kanyang unang world crown sa world 8-ball championship