^

PSN Palaro

6-peat sa FEU chessers sa UAAP

-

MANILA, Philippines - Natalo ang Far Eastern University (FEU) sa UP,1-3, sa huling laro pero sinuwerte pa rin sila nang mangibabaw pa rin sa 74th UAAP men’s chess na nagtapos noong Linggo sa FEU Mini-Theater.

Sina Ritchelieu Salcedo at Antonio Chavez ay humirit ng tabla kontra kina Leo Daylo at Ywhen Lababo para pigilan ang paglagapak ng Tamaraws at masungkit ang ikaanim na sunod na kampeonato.

Nagwagi ang UST sa La Salle, 2.5-1.5 ngunit kinapos pa rin sila dahil nagkaroon lamang ang Tigers ng ka­buuang 36 puntos laban sa 38.5 puntos ng FEU.

Ang UP ang tumapos sa ikatlong puwesto sa 34.5 puntos. Si Salcedo ang siyang hinirang na MVP ng dibisyon.

“Masaya kami dahil napanatili namin ang men’s title na pang-13th na rin ng FEU. Nananalig ako na maipagpapatuloy namin ang aming dominasyon sa susunod na taon,” wika ni FEU coach GM Jayson Gonzales.

Tinapatan naman ng La Salle ang naabot ng FEU nang kunin ang ikatlong sunod na women’s title tangan ang 42 puntos.

      Winakasan ng Lady Archers ang kampanya gamit ang 3.5-.5 laban sa Ateneo.

Kinatampukan ang magarang laban ng La Salle sa pagkapanalo ng MVP ni Jan Jodilyn Fronda.

Pumangalawa ang UP sa 31.5 puntos habang ang Lady Eagles ang nalagay sa 3rd place na mayroong 30 puntos.

ANTONIO CHAVEZ

FAR EASTERN UNIVERSITY

JAN JODILYN FRONDA

JAYSON GONZALES

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY EAGLES

LEO DAYLO

SI SALCEDO

SINA RITCHELIEU SALCEDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with