^

PSN Palaro

U-21 booters pinaluhod ng Laos

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Nanatiling walang pa­­nalo ang Pilipinas sa Hassanal Bolkiah Trophy (HBT) nang lasapin ang 1-3 kabiguan sa kamay ng Laos noong Linggo sa Balapan Track and Field sa Hassanal Bolkiah National Sports Complex sa Berakas.

Ang tatlong goals ng Laos ay nangyari sa loob lamang ng apat na minuto sa first half upang ipakita ang napakahinang depen­sa na inilatag ng junior Azkals na naunang lumasap ng 2-8 pagkatalo sa Myanmar.

Ang Pilipinas ang unang nagkaroon ng pagkakataon na makapuntos pero nadepensahan ang atake ni Marvin Janver Ma­linay Angeles sa 17th mi­nute.

Matapos ito ay ang Laos na ang namayagpag para ibangon ang sarili ma­tapos ang 0-2 pagkatalo sa unang laro laban sa Indo­nesia.

Si Sithideth Khantaha­yong ang naghatid ng unang goal sa 22nd minute bago sumunod si Soukaphone Vongchiengkham sa 23rd minuto.

Ang ikatlong goal ng Laos ay inangkin ni Keo­viengpheth Lithideth sa magandang pasa ni Vong­chiengkham sa 25th mi­nute.

Nakaisa ang Pilipinas bago nagtapos ang first half sa pagsisikap ni Angelo Ver­heye Marasigan sa 41st minute.

Sinikap ng Pambansang koponan na bigyan ng magandang laban ang katunggali ngunit ang depensa ng Laos ay hindi mabutas-butas para malag­lag sa huling puwesto sa Group A.

Pahinga ang Pilipinas sa loob ng apat na araw at dapat na gamitin nila ang bakasyon sa paghubog sa kanilang laro dahil ang hu­ling laban nila ay kontra sa Singapore (Marso 2) at Indonesia (Marso 4).

ANG PILIPINAS

ANGELO VER

BALAPAN TRACK AND FIELD

GROUP A

HASSANAL BOLKIAH NATIONAL SPORTS COMPLEX

HASSANAL BOLKIAH TROPHY

MARSO

MARVIN JANVER MA

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with