^

PSN Palaro

Emosyon ni Pacquiao krusyal vs Bradley

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Krusyal sa ipakikitang emosyon ni Manny Pacquiao kung ang hanap na panalo laban kay Timothy Bradley sa Hunyo 9 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas ang pag-uusapan.

Ito ang nakikita ng nire­res­petong boxing trainer at ESPN boxing commentator na si Teddy Atlas na binibigyan din ng tsansa si Bradley na makapanorpresa laban sa pound for pound king.

Kapansin-pansin umano kay Pacquiao ang kawalan ng intensidad noong hi­na­­rap si Juan Manuel Mar­quez ng Mexico na si­yang dahilan kung bakit muntik itong natalo.

“I saw less urgency and less fire and less taking of chances that we used to see with Pacquiao,” wika ni Atlas sa panayam ni Percy Crawford.

Hindi naman masisisi kung ganito ang ipinakita ni Pacquiao dahil marami na siyang opsyon na puwede niyang tahakin dahil sa tagumpay na tinatamasa sa politika at ang pagkakaroon na ng maraming pera.

“I don’t know if the fire burns as high, I don’t know,” dagdag ni Atlas na isa sa maraming boxing fanatics na naniwalang nanalo si Marq­uez sa ikatlong pagki­kita nila ni Pacquiao.

Sa kabilang banda, si Bradley na hindi pa natatalo at iiwan ang dinodominang WBO light welterweight di­vision para harapin ang ma­tikas na kampeon sa WBO welterweight class, ay gutom na gutom dahil alam nito ang magagawa ng panalo kay Pacman sa kanyang career.

“I think Bradley is a hungry kid. He still got stuff in front of him that he’d like to prove. You have to favor Pacquiao but Bradley is going to have a chance in that fight,” pahabol pa ni Atlas

Pero ang inaasahang upset ni Bradley ay hindi kinakagat sa betting odds sa Las Vegas dahil 3-to-1 ang angat ni Pacman.

Ang isang bagay na ti­yak na mangyayari sa title fight na handog ng Top Rank ay ang pagdumog uli ng mga mahihilig sa boxing dahil matapos ang unang araw sa pagbenta ng tiket ay may 3,000 piraso na lamang ang pag-aagawan sa 16,000 seater na MGM Grand Arena.

vuukle comment

BRADLEY

GRAND ARENA

JUAN MANUEL MAR

LAS VEGAS

PACMAN

PACQUIAO

PERCY CRAWFORD

SHY

TEDDY ATLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with