^

PSN Palaro

Oruga itinabla ang Bulldogs sa Blue Eagles sa UAAP baseball finals

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Nagbalik si Aries Oruga sa mound at tinulungan ang National University na ku­­nin ang 5-2 panalo sa na­unang namayagpag na Ateneo sa Game Two ng 74th UAAP baseball finals ka­hapon sa Rizal Memorial Diamond.

Isinatabi ng 20-anyos na si Oruga ang pamama­ga ng kanyang kaliwang tu­­hod sa pamamagitan ng paglimita ng Bulldogs sa Blue Eagles sa dalawang runs mula sa 8 hits sa siyam ng innings na pag­pukol.

“Masakit-sakit pa ang tu­­hod ko pero kailangan kong pumukol dahil kaila­ngan ng team na manalo,” wika ni Oruga.

Ang huling SO niya ay ki­nuha laban kay pinch-hit­ter Bocboc Bernardo pa­ra masayang ang loaded ba­ses situation.

Angat sa 5-2 ang Bulldogs papasok sa bottom ninth nang magkaroon ng ma­­gandang tsansa ang Ate­neo na maitakas pa ang panalo at maibulsa ang kau­­na-unahang baseball title.

Leadoff single ang gi­na­wa ni Kevin Ramos at ma­­tapos ang flyout kay Charles Catangui ay naka­double si Matt Laurel, habang isang base on ball ang naibigay ni Oruga kay Pa­co Tantuico.

vuukle comment

ARIES ORUGA

BLUE EAGLES

BOCBOC BERNARDO

CHARLES CATANGUI

GAME TWO

KEVIN RAMOS

MATT LAUREL

NATIONAL UNIVERSITY

ORUGA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with