^

PSN Palaro

U-21 Pinoy booters laglag sa Myanmar, 2-8

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Hindi maganda ang na­ging panimula ng Philip­pine Under 21 football team na naglalaro sa Hassanal Bolkiah Trophy (HBT) ASEAN youth football tournament sa Brunei nang lasapin ang 2-8 kabiguan sa Myanmar noong Biyernes na nilaro sa Balapan Track and Field.

Naghatid ang team cap­tain ng Myanmar na si Kyaw Zayar Win ng tatlong goals habang si Thiet Naing ay may dalawa pa para ibigay ang unang panalo sa Myanmar.

Ang unang iskor ng Pilipinas ay hatid ni midfielder Marvin Janver Malinay Angeles para magkadikit ang dalawang koponan sa 2-1 sa halftime.

Ngunit nag-iba ang tak­bo sa second half dahil si Zayar Win ay umiskor laban kay goal keeper Paulo Pasqual sa 45th minute bago nagdagdag pa ng da­lawa mula sa penalties sa 49th at 67th minute para iwanan ang Pilipinas sa 7-1.

Ibinigay ni Joshua Belo­ya ang ikalawang goal ng Pilipinas sa 85th minute ngunit di napigilan ng de­pen­sa ng Pilipinas ang hu­ling goal mula kay Naing tungo sa pagtala ng final score.

Dismayado naman ang coach ng Pilipinas na si Zoran Dordevic dahil hindi napanatili ng kanyang koponan ang magandang nasimulan.

“We started well but we commited big errors. When you conceded that many goals against a good team, it could affect your confidence. We need to work harder and play as a team,” wika ni Dordevic sa post match press conference.

Sunod na asignatura ng junior Azkals ay ang Laos bukas sa Hassanal Bolkiah National Stadium sa Berakas habang ang Myanmar ay makikipagsukatan naman sa Indonesia sa Pebrero 28.

vuukle comment

BALAPAN TRACK AND FIELD

HASSANAL BOLKIAH NATIONAL STADIUM

HASSANAL BOLKIAH TROPHY

JOSHUA BELO

KYAW ZAYAR WIN

MARVIN JANVER MALINAY ANGELES

MYANMAR

PAULO PASQUAL

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with