^

PSN Palaro

Irving nagpasiklab sa panalo ng Team Chuck sa Rising Star Challenge

-

ORLANDO, Fla.--Pinatunayan ni Kyrie Irving kung bakit siya ang pinili ng Celeveland Cavaliers bilang 2011 NBA No. 1 overall pick.

Isang alley-oop kay Paul George ang ginawa ni Irving kasunod ang pagpapakita niya ng kanyang long-range shooting skills.

Nagposte si Irving ng 8-for-8 shooting sa three-point range at tumapos na bitbit ang 34 points para pangunahan ang Team Chuck ni Charles Barkley sa 146-133 paggiba sa Team Shaq ni Shaquille ‘O Neal sa Rising Stars Challenge.

Nag-ambag si George ng Indiana Pacers ng 23 points para sa Team Chuck.

Sina Barkley at O’Neal ang siyang nagsilbing mana­ger ng kanilang mga koponan.

Umiskor naman si Tristan Thompson ng Cavaliers ng 20 points para sa Team Shaq, habang may 2 points lamang si New York Knicks sensation Jeremy Lin.

Ang Rising Stars Challenge ang nagtampok sa mga rookie at second-year players na pinagsama sa dalawang koponan -- ang Team Chuck at ang Team Shaq.

ANG RISING STARS CHALLENGE

CELEVELAND CAVALIERS

CHARLES BARKLEY

INDIANA PACERS

IRVING

JEREMY LIN

KYRIE IRVING

NEW YORK KNICKS

TEAM CHUCK

TEAM SHAQ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with