^

PSN Palaro

Rain or Shine naisahan ng Ginebra

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Dahil sa mahinang free­throw shooting ni Rain or Shine import Duke Crews, naitakas ng Barangay Gi­nebra ang isang 89-88 panalo sa elimination round ng 2012 PBA Commissioner’s Cup noong Biyernes ng gabi sa Al-Shabab Sports Center sa Dubai, United Arab Emirates.

Kumolekta si Mark Ca­guioa ng 19 points at 10 re­bounds para tulungan ang Gin Kings na makabangon mula sa kanilang nakaraang 74-76 kabiguan sa Alaska Aces.

Itinaas ng Ginebra ang kanilang kartada sa 2-1 ka­­pantay ang B-Meg at Alaska sa ilalim ng nagdedepensang Talk ‘N Text (1-0), Powerade (1-0) at Air21 (1-0) kasunod ang Petron Blaze (1-2), Meralco (1-2), Rain or Shine (1-3) at Barako Bull (1-3).

Kinuha ng Gin Kings ang 89-83 abante sa 2:33 ng fourth quarter mula sa basket ni Kerby Raymundo bago umiskor ang Elasto Pain­ters, nanggaling sa 99-95 pananaig laban sa Energy noong Huwebes, para sa kanilang 85-89 agwat.

Ang dalawang mintis na freethrows ni Crews na nagtabla sana sa Rain or Shine sa huling 28 segundo ang nagtakas sa panalo ng Ginebra.

It’s an ugly win but we’ll take it,” sabi ni Gin Kings’ head coach Siot Tan­quingcen, nakahugot ng 14 points at 13 boards mula kay balik-import Chris Alexander.

Umiskor si Jayjay Helter­brand, kumamada sa third period kung saan kinuha ng Ginebra ang isang 11-point lead, 56-45, sa ilalim ng 8:00 minuto dito, ng 18 markers kasunod ang tig-10 nina Raymundo at Mike Cortez.

Tumapos ang 6-foot-7 na si Crews na may 28 points, ngunit may masa­mang 12-for-20 clip sa charity line.

Ginebra 89--Caguioa 19, Helterbrand 18, Alexander 14, Raymundo 10, Cortez 10, Hatfield 6, Canaleta 6, J. Wilson 3, W. Wilson 2, Menk 1, Ababou 0, Mamaril 0.

Rain or Shine 88--Crews 28, Chan 14, Lee 13, Norwood 10, Matias 6, Buenafe 5, Belga 3, Ibañes 3, Cruz 3, Quinahan 2, Arana 0.

Quarterscores: 21-18; 42-40; 68-63; 89-88.

AL-SHABAB SPORTS CENTER

ALASKA ACES

BARAKO BULL

BARANGAY GI

CHRIS ALEXANDER

DUKE CREWS

ELASTO PAIN

GIN KINGS

GINEBRA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with