^

PSN Palaro

Beermen babawian ang Dragons

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Mas maalab na pagla­laro ang inaasahang ma­kikita sa San Miguel Beermen sa muling paghaharap nila ng Westports Malaysia Dragons sa 3rd AirAsia ASEAN Basketball League ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang laro ay itinakda sa alas-6 ng gabi at ang mananalo sa pagitan ng Beermen at Dragons ang hahawak sa solo ikalawang puwesto.

Kapwa may 5-2 karta ang magkabilang koponan upang mapag-iwanan ng nangungunang AirAsia Philippine Patriots na nasa tuktok ng walong koponang liga sa 6-1 baraha.

Yumukod ang Beermen sa Dragons sa unang pagtutuos na nangyari no­ong Enero 15 sa Kuala Lumpur, 77-83, sa overtime.

Dikit ang laro ngunit bumigay ang tropa ni coach Bobby Ray Parks sa overtime tungo sa kabiguan.

Tiwala naman si Parks na maipaghihiganti ng kan­yang mga alipores ang nangyari noon dahil gu­ma­ganda na ang ka­nilang ipinakikita katuwang ni Doug Thomas.

Si Thomas ay naglista ng 23 puntos nang pangu­nahan ang Beermen sa 77-61 panalo laban sa In­do­nesia noong Pebrero 18.

Galing ang Dra­gons na hawak ni Filipino mentor Ariel Vanguardia sa 86-71 tagumpay laban sa Singa­pore Slingers sa huling asignatura.

vuukle comment

ARIEL VANGUARDIA

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

BOBBY RAY PARKS

DOUG THOMAS

KUALA LUMPUR

PASIG CITY

PHILIPPINE PATRIOTS

SAN MIGUEL BEERMEN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with