^

PSN Palaro

Energy nanghina sa Elasto sa Dubai

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Sinamantala ng Rain or Shine ang pag-upo ni import DeMarr Johnson sa second period upang talunin ang Barako Bull 99-95, sa elimination round ng 2012 PBA Commissioner’s Cup noong Huwebes ng gabi sa Al-Shabab Sports Center sa Dubai, United Arab Emirates.

Nagkaroon si Johnson ng groin injury sa 5:14 ng second quarter at tumapos na may 3 points para sa Energy laban sa Elasto Painters.

May 1-2 baraha ngayon ang Rain or Shine kagaya ng Petron Blaze at Meralco sa ilalim ng nagdedepensang Talk ‘N Text (1-0), Powerade (1-0), Air21 (1-0), (2-1), B-Meg (2-1) at Ginebra (1-1) ka­sunod ang Barako (1-3).

Humakot si import Du­ke Crews ng 27 points at 14 rebounds para sa unang panalo ng Elasto Painters.

“Malaking break ‘yung nawala ‘yung import nila. I think that’s the whole story in this game,” sabi ni Rain or Shine coach Yeng Guiao na nakatakdang sagupain ang Ginebra kagabi ng alas-7. 

Nagposte ang Energy ng isang 11-point lead sa second period, tinampukan ng tatlong three-pointers ni Mick Pennisi, hanggang maungusan ng Elasto Painters sa third quarter, sa likod nina Crews, Jeff Chan, Beau Belga at rookie Paul Lee.

 Nagdagdag si Belga ng 20 points para sa Rain or Shine kasunod ang 13 ni Lee at 12 ni Chan, samantalang pinangunahan ni Pennisi ang Barako Bull sa kanyang tinipang 19 markers.

Magbabalik bukas ang mga laro sa Smart-Araneta Coliseum kung saan makakatapat ng Tropang Texters ang Aces sa alas-6:30 ng gabi at makakalaban ng Tigers ang Bolts sa alas-4:15 ng hapon.

AL-SHABAB SPORTS CENTER

BARAKO BULL

BEAU BELGA

ELASTO PAINTERS

GINEBRA

JEFF CHAN

MICK PENNISI

N TEXT

PAUL LEE

PETRON BLAZE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with