^

PSN Palaro

Novo Ecijano boxers kampeon sa boxing

-

MANILA, Philippines - Nagdomina ang Nueva Ecija ng apat sa limang di­bisyong pinaglabanan sa boxing upang magkaroon na ng init ang kanilang kampanya sa 2012 Central Luzon Regional Athletic As­so­ciation (CLRAA).

Sa People’s Park idinaos ang boxing at sina Ariel Tibayan (pinweight), Rogelio Astudillo (light mosquito), Glerence Cuyapen (mosquito) at Verael Angelo dela Cruz (light flyweight) ang mga nagdomina para sa delegasyon upang ibigay sa Nueva Ecija ang kam­peonato sa boxing na kanilang hawak mula pa noong 2006.

Nagpista naman ang archer na si Rommil Onarse nang magkaroon ng apat na ginto sa secondary boys archery para pagtibayin ang paghahabol sa magandang pagtatapos sa kompetisyon na ibinalik sa Zambales sa huling 18 taon dala na rin ng lubusang pagsuporta ni Governor Hermogenes Ebdane Jr. at anak na 1st District Congressman Jun Omar Ebdane.

Umani si Onarse ng ginto sa 40 meters (306), 50m (269), 60m (298) at single FITA (1192) upang tularan ang ginagawang pagdodomina ni Jean Karla Bondoc ng Pampanga na kinuha ang ikalimang ginto sa secondary girls nang talunin si Sanafe Marcelo ng Nueva Ecija sa Olympic Round sa 6-0 iskor.

ARIEL TIBAYAN

CENTRAL LUZON REGIONAL ATHLETIC AS

DISTRICT CONGRESSMAN JUN OMAR EBDANE

GLERENCE CUYAPEN

GOVERNOR HERMOGENES EBDANE JR.

JEAN KARLA BONDOC

NUEVA ECIJA

OLYMPIC ROUND

ROGELIO ASTUDILLO

ROMMIL ONARSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with