DALLAS - Nagtala si Dirk Nowitzki ng 26 points at season-high 16 rebounds para igiya ang defending champion Dallas Mavericks sa 89-73 panalo laban sa Boston Celtics.
Umakyat si Nowitzki sa Top 20 sa NBA career scoring list para sa Mavericks, nanatili sa unahan laban sa Celtics.
Isang gabi matapos tumipa ng season-high 34 points laban sa New York Knicks, umiskor si Nowitzki ng 7 points sa first quarter kontra sa Boston na umungos sa kanya kay Hall of Famer Robert Parish (23,334), naglaro ng 14 sa kanyang 21 NBA seasons para sa Celtics.
Si Nowitzki ay may career total ngayong 23,354 points sa likod ng kanyang 14 seasons sa Dallas.
Umangat rin si Nowitzki, maglalaro sa kanyang pang 11th consecutive All-Star game, sa 1,000 career blocked shots.
Naglaro ang Celtics na wala sina suspended Rajon Rondo, absent Kevin Garnett at injured Brandon Bass bukod pa kina starters Jermaine O’Neal (sprained left wrist) at Chris Wilcox (right adductor strain) na hindi na naglaro sa third quarter.
Nagtala si Paul Pierce ng 20 points para sa Boston.