Julaton poproteksyunan ng GAB sa Argentina
MANILA, Philippines - Para matiyak ang kaligtasan ni Fil-American female world champion Ana ‘The Hurricane’ Julaton sa paglaban nito sa Argentina sa Marso 16 ay makikipag-ugnayan ang Games and Amusements Board (GAB) sa Department of Foreign Affairs pati na sa Philippine Consulate.
Sinabi kahapon ni GAB Commissioner Aquil Tamano na ayaw na nilang maulit ang nangyaring pagkuyog ng mga Argentinian fans kay Filipino light flyweight Johnriel Casimero.
“What we will do is we will coordinate with the Department of Foreign Affairs to make sure na mabigyan sila ng security,” sabi ni Tamano sa grupo ni Julaton.
Sa Buenos Aires, Argentina sinugod ng mga Argentinian fans ang 21-anyos na si Casimero hindi pa man naitataas ni referee Eddie Claudio ang kanyang kamay makaraang talunin si Luis Lazarte sa tenth round.
Dahil sa pagbabanta sa buhay ni Claudio at dalawang beses na pagkagat sa leeg ni Casimero, isang lifetime ban ang ipinataw ng International Boxing Federation (IBF) kay Lazarte.
Nakatakda namang idepensa ni Julaton ang suot na World Boxing Organization (WBO) fema- le super bantamweight belt laban kay Argentinian challenger Yesica Marcos sa Marso 16 sa Argentina.
- Latest
- Trending