Aksyon sa SCUAA binuksan na
MANILA, Philippines - Binuksan na kahapon ang State Colleges and Universities Athletic Association (SCUAA) National Olympics sa Iloilo Sports Complex.
Si Senator Franklin Drilon ang tumayong keynote speaker sa opening ceremony noong Linggo kung saan niya hinimok ang 5,000 student-athletes na magsikap para makuha ang karangalan sa sporting field.
“As products of public funds, being an athlete of the SCUAA is one way of giving back to the people,” sabi ni Drilon sa two-hour opening ceremony kasama sina Iloilo Governor Arthur Defensor, Sr. at Dr. Patricia Licuanan ng Commission on Higher Education (CHEd).
“I’m a true believer of the value of sports in the nation. We need the value of team work that’s badly needed in our country today,” wika ni Lucuanan.
Pinamamahalaan ng Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) Region VI, ang week-long event ay matatapos sa Pebrero 25 .
Humigit-kumulang sa 5,000 delegates at officials mula sa 111 SUCs ang lumahok sa nasabing multi-sports event.
- Latest
- Trending