^

PSN Palaro

Orcollo dumausdos sa no. 6

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Matapos isuko ang dating hawak na kampeonato sa World 8-ball Cham­pionship na nagtapos kamakailan, nakita rin ni Dennis Orcollo ang pagbagsak niya sa WPA rankings.

Mula sa dating nasa tuktok ng talaan, si Orcollo ngayon ay nasa ikaanim na puwesto dala na rin ng maagang pagkakasibak sa knockout stage ng torneong ginanap sa Fujairah, United Arab Emirates.

Hanggang second round lamang ang inabot ng SEA Games 8-ball gold medalist matapos gulatin ng di pa kilalang si Karol Skowerski ng Poland, 3-9, upang makalikom lamang ng mahinang 240 puntos.

Dahil dito, pumalo lamang sa 1910 ang puntos na tangan ngayon ng 32 anyos na bilyarista, kasama ang pitong iba pang ranking tournaments ng WPA na nangyari noong 2011.

Si Lee Van Corteza at Ronato Alcano ang iba pang Filipino cue artists na nasa top ten sa talaang dinodomina ngayon ni Yukio Akagariyama ng Japan.

Sumungkit ng 321 puntos nang nakapasok sa round of 16, si Corteza ay mayroon ngayong tangan na 1784 puntos habang si Alcano na hindi naglaro sa World 8-Ball ay nanatili sa 1733 puntos sa 9th place.

Si Akagariyama na pu-mangalawa kay Orcollo sa pagtatapos ng 2011, at pumasok hanggang round of 16 sa Fujairah para sa 321 puntos, ay bumabandera na sa 2493 puntos.

Si World 8-Ball champion Chang Jun-lin ng Chinese-Taipei na nagkaroon ng 850 puntos ay lumundag mula sa pangpito tungo sa ikalawang puwesto sa 2245 habang sina Chris Melling ng Great Britain, Fu Che-wei ng Taipei at Huidji See ng Netherlands ang umookupa sa 3rd hanggang 5th place.  

CHANG JUN

CHRIS MELLING

DENNIS ORCOLLO

FU CHE

FUJAIRAH

HUIDJI SEE

KAROL SKOWERSKI

ORCOLLO

PUNTOS

RONATO ALCANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with