^

PSN Palaro

Padua pinahanga ang manonood

-

MANILA, Philippines - Hindi nasayang ang pag­­sisikap ni Nestor Padua ng San Jose City Nueva Ecija nang manalo ng ginto sa athletics event sa pagsisimula kahapon ng Central Luzon Athletics Association sa Zambales Sports Complex sa Iba.

Humanga ang mga na­kasaksi kay Padua dahil palayo nang palayo ang marka na ginawa niya sa unang lima sa anim na tangka sa ja­vellin.

Nasungkit ng 12-anyos na lumahok sa CLRAA na itinataguyod ngayon nina Governor Hermogenes Ebdane Jr., at anak na Kongresista na si Jun Omar Ebdane, sa unang pagkakataon nang umabot sa 42.09 metro ang ikalimang attempt nito.

“First time ko pong su­mali rito at hindi ko naman inasahang ganito ang ibabato ko. Ang dati kong best ay nasa 28 meters sa district meet,” ani Padua, ang mga magulang ay kapwa magsasaka at grade-four student sa San Agustin Ele­mentary School.

Malayong nasa ikala­wang puwesto naman si Mark Juan ng Tarlac Pro­vince sa ibinatong 36.83m habang ang bronze ay napunta kay Elias Clares ng Bulacan sa 36.35m marka.

Pupuntiryahin ni Padua na bunso sa 7 magkaka­patid ang ikalawa at ikatlong ginto sa paglahok sa ele­mentary boys discuss throw at high jump.

Nakihanay sa mga nag­wagi sina Aira Collaine Tiburcio nfg Tralac City at Jackielyn Alviar ng Munoz City nang mangibabaw sa elementary girls shotput (8.12m) at secondary girls long jump (4.83m), ayon sa pagkakasunod.

Pinasalamatana naman ni Ebdane ang pag­babalik ng CLRAA sa Zam­bales matapos ang 18-taon.

“Kung dati ay halos nakalimutan na ang complex na ito, ngayon ay isa na itong simbolo ng pagkakaisa at pinagsamang lakas ng Zambaleno,” wika ng gobernador.

AIRA COLLAINE TIBURCIO

CENTRAL LUZON ATHLETICS

ELIAS CLARES

GOVERNOR HERMOGENES EBDANE JR.

JACKIELYN ALVIAR

JUN OMAR EBDANE

MARK JUAN

MUNOZ CITY

PADUA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with