^

PSN Palaro

Reyes sumargo kay Ko sa PBB

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Agad na nakitaan ng galing ang Asian team nang manalo si dating World Junior champion Ko Pin Yi ng Chinese Taipei sa pambato ng bansa Efren “Bata” Reyes, 9-4, sa pagbubukas ng 2012 Philippine Bigtime Billiards (PBB) Face-Off Series nitong Sabado sa PAGCOR Airport Casino sa Parañaque City.

Hanggang 2-2 lamang nakaporma ang tinaguriang “The Magician” sa mundo ng bilyar dahil rumatsada si Ko ng apat na sunod na panalo para madomina ang race to nine-10-ball event na handog ng Mega Sports world at BRKHRD at ang The Philippine Star ang official media partner.

Ang tagumpay ay nag­patunay sa pagiging liya­mado ni Ko kay Reyes sa betting odds.

“Bilog ang bola at ang nakalaban ko ay isa sa mga tinitingalang player nga­yon sa mundo,” wika ni Reyes sa pagtanggap ng kabiguan.

Bukod kay Reyes ay nasa koponan ng bansa sina Francisco Bustamante, Dennis Orcollo, Ronato Alcano, Carlo Biado, Lee Van Corteza, Alex Pagula­yan at Antonio Lining habang sina Chang Jung-lin, Yang Ching-sun, Chao Fong Pang at Chang Yu Long ang iba pang kasapi ng Asian team.

Masusukat uli si Ko da­­hil sa sunod na linggo ay makakabangga niya si Francisco ‘Django’ Bustamante na tiyak na magna­nais na maipaghiganti ang pagkatalo ng kanyang kum­padre.

AIRPORT CASINO

ALEX PAGULA

ANTONIO LINING

CARLO BIADO

CHANG JUNG

CHANG YU LONG

CHAO FONG PANG

CHINESE TAIPEI

REYES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with