Letran netters gumawa ng kasaysayan
MANILA, Philippines - Kinumpleto ng high school at college teams ng Letran College ang isang historic sweep sa lawn tennis division ng 87th NCAA season kahapon sa Rizal Tennis Center.
Tinalo ni Dave Regencia si St. Benilde bet Larry Antigua , 6-3, 6-0, bago nakipagtambal kay Bryan Saarenas para sa kanilang 6-4, 6-1 pananaig laban kina Antigua at Rolee Joven para sa kanilang four-peat feat.
Naging ‘no bearing’ na ang best-of-three showdown sana ng Muralla-based school sa deciding singles match na magtatampok kina Jeffrie Jumawan at Rolee Joven.
Tinalo naman ng high school squad ng Letran ang San Sebastian sa likod ng tagumpay ni Alberto Lim, Jr. kay Argil Canizares, 6-3, 6-4, at pananaig nina Lim at Andrew Cano kina Canizares at John Rey Rudas, 6-3-6-2.
Nakamit ng Squires ang kanilang unang NCAA title matapos ang isang dekada para sa Letran na tatayong host ng 88th NCAA season sa Hunyo.
“We saw how these teams prepared for this season and it paid off so congratulations to them, they made the school proud,” ani Letran Management Committee representative Fr. Vic Calvo, OP.
Nakasama ni Calvo sa awarding rites sina league president Anthony Tamayo ng season host Perpetual, Paul Supan ng lawn tennis host Jose Rizal at Peter Cayco ng Arellano U.
- Latest
- Trending