Sabaupan lalaban sa title eliminator

MANILA, Philippines - Malalaman kung hinog na nga ang 23 anyos na tu­bong Sipocot, Camarines Norte na si Al Sabaupan hinggil sa paglaban sa le­hitimong world title sa pagsalang nito sa isang title eliminator laban sa Mexicanong si Marvin Quintero.

Si IBF Championship Committee chairman Lindsey Tucker ang nagpadala ng komunikasyon kay Sa­ved by the Bell Promotions head Elmer Anuran sa nasabing laban na itinakda sa bandang Marso.

Ang mananalo sa bakbakan ay magkakaroon ng karapatan na labanan ang IBF lightweight champion na si Miguel Vazquez.

May 18 panalo at isang draw bukod sa 13 KO si Sabaupan at ang huling la­ban niya ay nangyari no­ong Disyembre at tinalo niya sa pamamagitan ng retirement sa fourth round ang kababayang si Jonel Gadapan para kunin ang IBF Pan Pacific lightweight title.

Sa ngayon ay nakiki­pag-usap na si Anuran sa manager ni Quintero na si Gary Shaw para maisara na ang labanan.

Edad 25 si Quintero at isang knockout artist dahil sa pagkakaroon ng 20 KO sa 24 panalo sa 27 laban.

Masinsinang pagsasanay ang gagawin ni Sa­baupan sa ilalim ni Benny dela Peña na trainer ng Touch Gloves Boxing Gym sa Agoncillo, Batangas.

Show comments