Ph Embassy nagsampa na ng protesta sa AMFA
MANILA, Philippines - Nagsampa na ang Philippine Embassy sa Buenos Aires ng protesta sa Argentine Ministry of Foreign Affairs ukol sa pambubugbog ng mga Argentinians boxing fans sa grupo ni Johnriel Casimero.
Isinampa ng Philippine Embassy sa Buenos Aires ang nasabing protesta noong Pebrero 13, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
“Our Embassy in Buenos Aires filed a protest on 13 Feb with the Argentine Ministry of Foreign Affairs over the riot which happened on 11 Feb which placed the safety and wellbeing of Mr. Casimero and his team at great danger,” ani DFA Spokesman Raul Hernandez.
Humingi na rin ng dispensa ang Deputy Chief of Mission ng Argentine Embassy sa Maynila sa DFA.
“The Deputy Chief of Mission of the Argentine Embassy in Manila apologized to the DFA about the incident, while the Ambassador of Argentina in Manila has been summoned to the DFA this afternoon to express out concern about the riot and to ask for an explanation on the action taken by the Argentine government on the incident,” ani Hernandez.
Kinuyog ng mga Argentinians fans si Casimero at ang kanyang dalawang cornermen bago pa man pormal na ihayag ang kanyang panalo kay Luis Lazarte noong Biyernes ng gabi sa Club Once Unidos sa Mar del Plata, Argentina para kunin ang bakanteng interim IBF light flyweight title.
Tinalo ng 21-anyos na si Casimero ang 40-anyos na si Lazarte via tenth-round TKO.
- Latest
- Trending