^

PSN Palaro

FEU tracksters kampeon

-

MANILA, Philippines - Nagbida ang isang bagito ng University of the East (UE) mula sa kanyang apat na record-breaking performances, habang nanatili naman ang Far Eastern University bilang men’s at women’s champion sa UAAP Season 74 athletics competitions.

Binura ni Daveson Kyle Narido ang league juniors records sa 1,500m, 5,000m, 3,000m at 2,000m steeplechase bukod pa ang gold medal rin sa 800m para tanghalin bilang Most Valuable Player (MVP) sa four-day competitions na natapos noong Linggo sa PhilSports sa Pasig City.

Nakakuha rin siya ng silver sa 4x400m relay.

Ang 4:34.49 sa 1,500 meters ang sumira sa dating 4:36.53 ni Rolando Albert Jerhiel Jr. ng University of Santo Tomas noong 2006 at itinayo ang bagong 17:51.94 sa 5,000m na sumira sa 18:11.14 ni Jerhiel noong 2006.

Sa 2000m steeplechase, ipinoste ni Narido ang 7:08.77 para ibasura ang 7:10.38 ni Jerhiel noong 2005 at inilista ang bagong 10:02.39 sa 3,000m run na bumura sa 10:18.55 ni Benjamin Cayabyab noong 2006.

Nagdomina naman ang FEU sa men’s class para kunin ang kanilang pang 21st overall trophy sa nakolektang 188 points kasunod ang UST (160), De La Salle (144), UE (142), Ateneo (111), UP (96) at Adamson (4).

Muli namang inangkin ng Lady Tams ang women’s overall title sa pang walong sunod na taon sa kanilang 293 points sa itaas ng UST (233), UE (171), UP (68), De La Salle (51), Ateneo (25) at Adamson (5).

ADAMSON

ATENEO

BENJAMIN CAYABYAB

DAVESON KYLE NARIDO

DE LA SALLE

FAR EASTERN UNIVERSITY

JERHIEL

LADY TAMS

MOST VALUABLE PLAYER

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with