Pinoy netters tinalo ang Pacific Oceania

IRIGA CITY, Camarines Sur , Philippines -- Winalis nina Fil-Am Treat Huey at Jeson Pat­rombon ang kanilang mga singles matches para sa 5-0 dominasyon ng Philipine Team laban sa Pacific Oce­ania sa Asia Oceania Zone Group II Davis Cup tie dito sa St. John Forum.

 Iginupo ni Huey si Michael Leong, 6-0, 6-3, 6-2, ha­bang tinalo ni Patrombon si Aymeric Mara, 6-0, 6-1.

“He has worked hard to be where he is right now and if he continue to work and play harder, he’ll get stronger,” sabi ni Fil-Am Cecil Mamiit, ang non-playing team captain, sa tubong Ili­gan City na si Patrombon.

“Na-inspire ako sa panalo ko sa singles last Friday,” ani Patrombon.

Makakasagupa ng Na­tionals ang mananalo sa Pa­kistan-Lebanon tie sa Jounieh, Lebanon sa Abril 6-8

Nauna nang tinalo nina Fil-Am Ru­ben Gonzales at Johnny Ar­cilla sina Cyril Jacobe at Daniel Llare­nas, 6-7 (3), 7-5, 7-6 (3), 7-6 (4), sa doubles match.

Pinili ni Mamiit na hindi gamitin si Hu­ey, ang No. 47 sa world doubles rankings, nahirapan sina Gonzales at Arcilla sa first set kung saan sila na­talo.

Nakabawi naman sina Gonzales at Arcilla sa se­­cond at third set para ta­lunin sina Jacobe at Llare­nas patungo sa kanilang pa­nalo na tumagal ng halos apat na oras.

Kaagad na kinuha ng mga Pinoy ang dalawang singles matches mula sa pa­nalo ni Patrombon kay Ja­cobe, 6-3, 6-2, 7-6 (4) at tagumpay ni Huey kay Leong, 6-0, 6-3, 6-2, noong Biyernes.

Show comments