^

PSN Palaro

Beermen nilasing ang Heat

-

MANILA, Philippines - Walong sunod na puntos ang ginawa ni Dalron Johnson sa ikatlong yugto na dinomina ng San Miguel Beer patungo sa madaling 85-62 panalo sa Saigon Heat sa 3rd AirAsia ASEAN Bas­ketball League (ABL) sa Tanh Binh Stadium, Ho Chi Minh City, Vietnam.

Dikitan ang first half at angat lamang ng apat ang Beermen sa halftime, 38-34, pero nakatulong ang pag-iinit ni Johnson na nag­bagsak ng 10 puntos bukod pa kina Allan Manga­has at Doug Thomas para sa pagpasok ng huling yugto ay kampante na nilang hawak ang 67-49 panalo.

May 25 puntos, 12 rebounds, 5 steals at 3 assists si Johnson, habang si Thomas ay nag-ambag ng 18 puntos at 10 rebounds.

Sinuklian ni Mangahas ang pagkakasama niya sa starting five ni coach Bobby Ray Parks sa pamamagitan ng 3-of-4 shooting sa tres patungo sa kanyang 11 puntos at 4 steals, habang si Leo Avenido ang nanguna sa bench players sa ibinigay na 16 puntos.

Ito ang ikaapat na pa­na­­­lo sa anim na laro ng Beer­­men na sunod na tutu­nguhin ay ang The Mahaka Square sa Indonesia para ha­rapin ang Warriors sa Peb­rero 18.

Nalaglag ang Heat sa ika­anim na sunod na pagkatalo at nasayang ang 26 at 23 puntos nina imports Jonathan Jones at Julius Hodge dahil sa patuloy na kawalan ng suporta mula sa ibang kakampi.

Nakasabay ang Heat sa Beermen sa reboun­ding nang pantayan ang 35 na ginawa ng bisitang ko­ponan pero mayroon lamang silang 5 assists bu­­kod pa sa pagkakaroon ng 28 turnovers. (ATAN)

vuukle comment

ALLAN MANGA

BEERMEN

BOBBY RAY PARKS

DALRON JOHNSON

DOUG THOMAS

HO CHI MINH CITY

JONATHAN JONES

JULIUS HODGE

LEO AVENIDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with