Bradley tiwalang mananalosa kanilang laban ni Pacquiao
MANILA, Philippines - Bagama’t inaasahan nang magiging dehado sa kanilang laban, kumpiyansa pa rin si Timothy Bradley, Jr. na mananalo siya kay Manny Pacquiao.
Ayon sa 28-anyos na si Bradley, wala pang nakakalaban ang 33-anyos na si Pacquiao na mas bata sa kanya.
“Pacquiao hasn’t fought anyone as young and hungry like I am in a long time,” ani Bradley.
Kamakalawa ay lumagda na si Bradley ng isang $5-million fight contract kay Bob Arum ng Top Rank Promotions para sa kanilang laban ni Pacquiao sa Hunyo 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Ito na ang magiging pinakamalaking fight purse na makukuha ng American fighter, ang kasalukuyang World Boxing Organization (WBO) light welterweight titlist.
Inilarawan ni trainer Freddie Roach na isang ‘dirty fighter’ at gumagamit ng kanyang siko at ulo para makapanlamang sa kanyang kalaban.
Inamin naman ito ni Bradley.
“I am rough in there and I’m not afraid to mix it up,” wika ni Bradley. “I know he’s physical, too, but he hasn’t seen anyone like me in a long time.”
Hawak ni Pacquiao ang 53-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 KOs kumpara sa 28-0-0 (12 KOs) card ni Bradley.
Idedepensa ni Pacquiao ang kanyang suot na WBO welterweight crown kontra kay Bradley.
- Latest
- Trending