Football sa Pinas ikinatuwa ni Prince Hussein
MANILA, Philippines - Natuwa si HRS Prince Ali Al-Bin Hussein ng Jordan sa pagdagsa ng mga batang mahihilig sa football sa paglulunsad kahapon ng Asian Football De’velopment Program (AFDP) na isinabay sa pagbabalik ng Kasibulan Grassroots sa Calamba Laguna.
Ginawaran muna ng mainit na pagsalubong si Prince Ali ng pamahalaang lokal ng Calamba sa pangunguna ni Mayor Joaquin Chipeco na pinasalamatan ang panauhing pandangal sa pagtalaga sa kanyang sinasakupang lugar bilang kauna-unahang tatanggap ng tulong mula sa AFDP.
Ang AFDP ay isang non-profit youth commission na naglalayong tulungang isulong ang interes ng football sa rehiyon bukod pa sa pagtulong sa pagpapalawig sa kababaihang manlalaro.
Tiniyak din ni Prince Ali na madadagdagan pa ang puwedeng ibigay na ayuda sa Pilipinas sa mga susunod na taon dahil irerebisa niya ang programa at titingnan kung saan pa puwede siyang makatulong.
- Latest
- Trending