^

PSN Palaro

SMBeermen kontra Heat

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Ang kanilang ikaapat na panalo ang balak kunin ng San Miguel Beermen sa pagbisita sa Saigon Heat Tan Binh Stadium sa Vietnam sa pagpa­patuloy ng 3rd AirAsia ASEAN Bas­ketball League (ABL) nga­yong gabi.

May 3-2 baraha ang Beermen na babangga sa Heat sa ganap na alas-8 ng gabing tunggalian at kung manalo ang bisitang koponan ay posibleng makahulagpos sila sa pag­kakasalo sa Westports Malaysia Dragons na mayroon din 3-2 rekord.

Kalaro ng Dragons ang Chang Thailand Slammers sa MABA gym at asam ng home team na ma­­ka­ba­ngon sa 72-86 pag­katalo sa mga kamay ng Philippine Patriots.

Angat ang Beermen da­hil sa mas malaking na line-up ngunit ayaw mag­kumpiyansa ni coach Bob­by Ray Parks.

“One thing I’ve learned in this league is not to take any team lightly, especially when they are playing in their homecourt,” wika ni Parks na lumasap ng dalawang talo sa tatlong away games.

Si Dalron Johnson na kanyang kamador sa ibinigay na 18.4 puntos at 8.8 rebounds at Doug Thomas na mayroong 12 puntos at 7 boards average ang mga mangunguna pero na­nanalig si Parks na hindi ma­wawala ang suporta ng mga locals para makuha ang panalo.

Sa huling laro laban sa Bangkok Cobras na ka­nilang dinurog, 94-59, sina Leo Avenido, RJ Rizada at Kelvin Dela Peña ay tu­mapos sa doble-pigura para hindi makaporma ang bu­misitang Thai team.

Babanderahan naman ni­na Julius Hodge, Jonathan Jones at Fil-Am John Smith ang Heat na hinaha­nap pa ang unang panalo matapos ang limang laro.

BANGKOK COBRAS

BEERMEN

CHANG THAILAND SLAMMERS

DOUG THOMAS

FIL-AM JOHN SMITH

JONATHAN JONES

JULIUS HODGE

KELVIN DELA PE

LEO AVENIDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with