^

PSN Palaro

Maangas wi Donaire

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña -

Ipinamalas ni Nonito “The Flash” Donaire ang lakas ng kamao ng Pilipino.

Pero marami ang hindi nagustuhan ang kanyang pagiging “mayabang” sa kanyang panalo.

Nakita naman ng lahat na pinabagsak ni Donaire si Wilfredo Vazquez sa ikasiyam na round, pero agad din namang tumayo si Vazquez. Ganunpaman marami ang hindi natuwa sa napanood at napakinggan mula kay Donaire.

Kitang-kita kasi na parang inaasar pa ni Donaire itong si Vazquez sa mga naunang round ng laban, nariyang paupo-upo kunwari, ibaba ang kamao, na parang sinasabing iyan lang ba ang kaya mo.

Sabi pa nga ni Donaire na-damage ang kanyang kaliwang kamay pero nagawa pa rin nitong maitakas ang split decision victory laban kay Vazquez para sik­wa­tin ang bakanteng WBO super bantamweight title nitong Linggo sa Alamodome sa San Antonio, Texas.

Idinagdag ni Donaire ang belt sa mga koleksiyon na flyweight at bantamweight titles, at isa pang interim title sa bantam.

Ang Donaire-Vazquez fight ay co-feature ng card na tinampukan ng middleweight title defense ni Julio Cesar Chavez Jr. laban kay Marco Antonio Rubio.

Sa kanyang debut sa 122-pound weight class, nakipagsabayan si Donaire (28-1, 18KOs) mula umpisa hanggang pagtunog ng final bell kay Vazquez.

Ang WBO belt ay napakawalan ni Vazquez kay Jorge Arce, na binakante rin nito para sa bantamweight belt na binitawan ni Donaire nang umakyat ng timbang.

Ngayon ay puwedeng harapin ni Donaire alinman kina Arce o WBC champion ng Japan na si Toshiaki Nishioka.

Ang hindi nagustuhan nang marami ay ang inasal ni Donaire sa laban at maging sa katapusan nito. Nang matapos ang laban ay sinabi pa ni Donaire na hindi siya nasiyahan sa kanyang panalo. Katuwiran ng mga nag-comment sa iba’t ibang thread ng iba’t ibang social networks tulad ng facebook, twitter, at maging ang sa yahoo at google, hindi na lamang magpasalamat sa ibinigay na panalo.

Ibang-iba daw siya kay Manny Pacquaio na sa ba­wat panalo ay ipinasasalamat sa Diyos.

 Sa akin lang, huwag nating ikumapara ang dalawa. Magkaiba sila ng pinanggalingan at pinagdaanan, ma­ging ang environment na kinalakihan.

 Pero, sumasangayon naman ako na dapat nga na matuto ng kababaang loob si Donaire, baka mawalan siya ng mga taga-suporta kung patuloy ang kanyang “pagka-angas.”

ANG DONAIRE-VAZQUEZ

DONAIRE

JORGE ARCE

JULIO CESAR CHAVEZ JR.

MANNY PACQUAIO

MARCO ANTONIO RUBIO

PERO

SAN ANTONIO

VAZQUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with