^

PSN Palaro

Kabiguan sa Big Chill naging motibasyon ng NLEX sa pagsikwat ng kampeonato

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Kung may isang bagay na nais pasalamatan ni NLEX Road Warriors coach Boyet Fernandez, ito ay ang koponan na Big Chill na ginulat sila sa unang laro sa PBA D-League Aspirants’ Cup semifinals.

“I really thank them because they woke us up. The loss was a wake up call to NLEX Road Warriors. The players learned that its not a walk in the park every game and we started to play as a team, played defense and later, won the championship,” wika ni Fernandez.

Pinawi ng NLEX ang 66-83 pagkakadurog sa Big Chill nang kunin ang sumunod na dalawang laro upang maitakda ang ta­gisan sa Finals laban sa Freego Jeans na kanila namang winalis sa idinaos na best of three series.

Binanggit din ni Fernandez na matamis ang panalo dahil pinaghirapan ng kanyang bataan na maabot ang tagumpay sa ikalawang pagkakataon sa ligang inorganisa ng PBA.

“Malakas ang team pero nagkaproblema ka­mi sa una sa practices dahil ang ibang players ay naglalaro pa sa colle­giate leagues at may mga manlalaro rin kaming kinuha sa national team. Sa se­mi­finals na kami halos na­kum­pleto talaga. Pero ang determinasyon at kahandaan na magsakripisyo ng mga manlalaro ang susi sa tagumpay,” pahayag pa ng beteranong coach.

Matapos makadalawa, ay sinisipat pa ng Road Warriors na sagasaan ang ikatlong sunod na titulo sa gaganaping Foundation Cup na bubuksan sa Marso.

Patok uli ang koponan dahil babalik ang lahat ng manlalaro dahil ang ka­nilang mga kontrata ay mapapaso sa katapusan pa ng Hunyo.

Lalakas pa ang kopo­nan dahil sa paglalaro uli ni Ronald Pascual na kinailangang magpahinga dahil sa ACL injury.

Bakasyon sa Hong Kong at Macau bukod pa sa ibang pinansyal na ganan­sya ang ibibigay sa koponan dala ng pagkapa­nalo.

BIG CHILL

BOYET FERNANDEZ

D-LEAGUE ASPIRANTS

FERNANDEZ

FOUNDATION CUP

FREEGO JEANS

HONG KONG

ROAD WARRIORS

RONALD PASCUAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with