Huey sisikaping ibalik ang Pinas sa Group One

IRIGA City, Philippines - Sa likod ni Fil-Am Treat Conrad Huey, pipilitin ng bansa na makabalik sa Group One sa kanilang pakikipagharap sa Pacific Oceania sa kanilang Asia Ocenia Zone Davis Cup tie dito sa University of St. Anthony covered court.

Ang 26-anyos na si Huey ang sasandalan ng bansa matapos magretiro si long-time No. 1 at kapwa Fil-Am Ce­cil Mamiit para maging non-playing team captain ng national team.

Makakasama ni Huey sina Jeson Patrombon, Ruben Gonzales at Johnny Arcilla.

Ang Pacific Oceania ay kinabibilangan naman nina Michael Leong, Cyril Jacobe, Daniel Llarenas at Aymeric Mara.

Magsisimula ang labanan sa singles bukas kung saan si Huey ang unang hahataw para sa mga Pinoy, habang sa Sabado itinakda ang doubles event.

Show comments