Perpetual Altas winalis ang kanilang serye ng San Beda Red Lions sa NCAA men's volleyball

MANILA, Philippines - Nalagpasan ng University of Perpetual Help System Dalta ang pagbangon ng San Beda College sa third set para kunin ang 25-14, 25-14, 25-23 sa Ga­me Two at kumpletuhin ang title sweep sa men's volleyball championship ng 87th NCAA season ka­hapon sa Ninoy Aquino Sta­dium.

Sina Marcelo Joaquin, Allan Daquer at JR Dela Cruz ang nagbida para sa ikalawang sunod na korona ng Altas.

"Talagang nagtrabaho ka­mi nang husto para ma­kuha itong championship da­hil gusto namin ng back-to-back,” sabi ni head coach Sam­my Acaylar.

Nauna nang inangkin ng Altas ang Game One via 28-26, 25-22, 25-22 win kontra sa Red Lions.

Winalis ng Perpetual ang lahat ng kanilang 14 la­ro patungo sa pagwalis sa kanilang serye ng San Beda.

 "We laud our pla­yers for the great effort, the school is very proud of their accomplishments, congratulation to them," sa­bi ni league president chairman Anthony Tamayo ng season host Perpetual.

Kagaya ng Altas, wina­lis rin ng Lady Altas ang ka­nilang serye ng Letran La­dy Knights via 25-15, 26-24, 25-10 win.

Show comments