Perpetual Altas winalis ang kanilang serye ng San Beda Red Lions sa NCAA men's volleyball
MANILA, Philippines - Nalagpasan ng University of Perpetual Help System Dalta ang pagbangon ng San Beda College sa third set para kunin ang 25-14, 25-14, 25-23 sa Game Two at kumpletuhin ang title sweep sa men's volleyball championship ng 87th NCAA season kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.
Sina Marcelo Joaquin, Allan Daquer at JR Dela Cruz ang nagbida para sa ikalawang sunod na korona ng Altas.
"Talagang nagtrabaho kami nang husto para makuha itong championship dahil gusto namin ng back-to-back,” sabi ni head coach Sammy Acaylar.
Nauna nang inangkin ng Altas ang Game One via 28-26, 25-22, 25-22 win kontra sa Red Lions.
Winalis ng Perpetual ang lahat ng kanilang 14 laro patungo sa pagwalis sa kanilang serye ng San Beda.
"We laud our players for the great effort, the school is very proud of their accomplishments, congratulation to them," sabi ni league president chairman Anthony Tamayo ng season host Perpetual.
Kagaya ng Altas, winalis rin ng Lady Altas ang kanilang serye ng Letran Lady Knights via 25-15, 26-24, 25-10 win.
- Latest
- Trending