Nepomuceno, pararangalan

MANILA, Philippines - Pararangalan ngayon ng Adamson University ang kanilang mga produkto na nag­bigay ng karangalan sa paaralan at maging sa bansa sa iba’t ibang local at in­ternational competitions .

Pangungunahan ni­na sports legends Rafael ‘Pa­eng’ Nepomuceno, Hector Calma at Filomeno ‘Boy’ Codiñera ang mga iluluklok ng Adamson sa kanilang Ath­letes Hall of Fame sa pang alas-2 ng hapong se­remonya sa Adamson Thea­ter sa San Marcelino cam­pus, ayon kay athletics di­rectress Malou Isip. 

Ang awards ceremony ay bahagi ng pagdiriwang ng Adamson sa kanilang pang 80th Anniversary.

Pararangalan din sina bas­ketball players Kenneth Du­remdes, Marlou Aquino, Ed­die Laure, Gherome Ejer­cito at Emelia Vega at ma­ging sina softball head coach Ana Maria Santiago at track and field ace Djundi Binas.

Si Nepomuceno ay isang six-time world bow­ling champion at nagkampe­on sa apat na World Bowling World Cup.

Sina Calma at Duremdes ay miyembro ng 25 Greatest Players ng PBA.

Kasalukuyang team ma­­nager ng Petron Blaze Boosters si Calma kagaya ni Duremdes sa Powerade Tigers.

Show comments