Ateneo, La Salle Dream Game ngayon na

MANILA, Philippines - Muling magtutuos ang Ateneo at La Salle sa isang charity game nga­yong alas-6 ng gabi sa Smart-Araneta Coliseum.

Ang laro na tinaguriang `Blue vs. Green: Dream Game 2012’ ang magtatampok sa mga Green Archers ni coach Franz Pumaren kontra sa Blue Eagles ni mentor Norman Black.

Huling naglaban ang dalawang ko­ponan noong 2008 kung saan sila nagtabla sa 90-90.

Tinalo ng Blue Eagles ang Green Ar­chers noong 2005 nang isalpak ni En­rico Villanueva ang isang game-winning three-pointer para sa kanilang 88-85 tagumpay.

Show comments