Ateneo, La Salle Dream Game ngayon na
MANILA, Philippines - Muling magtutuos ang Ateneo at La Salle sa isang charity game ngayong alas-6 ng gabi sa Smart-Araneta Coliseum.
Ang laro na tinaguriang `Blue vs. Green: Dream Game 2012’ ang magtatampok sa mga Green Archers ni coach Franz Pumaren kontra sa Blue Eagles ni mentor Norman Black.
Huling naglaban ang dalawang koponan noong 2008 kung saan sila nagtabla sa 90-90.
Tinalo ng Blue Eagles ang Green Archers noong 2005 nang isalpak ni Enrico Villanueva ang isang game-winning three-pointer para sa kanilang 88-85 tagumpay.
- Latest
- Trending