^

PSN Palaro

Isa na lang sa Road Warriors

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Pinosasan ng NLEX Road Warriors ang mga kamador ng Freego Jeans sa ikalawang yugto upang maiuwi ang madaling 75-51 panalo sa pagbubu­kas kahapon ng PBA D-League Aspirants’ Cup Finals sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

May 20 puntos si Ian Sangalang habang 13 pa ang ibinigay ni RR Garcia at ang iba pang kakampi ay tumulong sa pamamagitan ng pagdepensa o pag-rebound upang makapagdomina ang Road Warriors mula sa simula hanggang natapos ang labanan.

Nalimitahan ng Road Warriors sa 2 of 17 shoo­ting sa second period ang Jeans Makers at hindi pa sila nakaiskor sa huling pitong minuto para makahulagpos na ang NLEX sa 40-21 kalamangan.

Dahil sa madikit na depensa ay tanging si Lester Alvarez lamang ang nakaiskor ng doble pigura para sa bataan ni coach Leo Austria sa kanyang 13 puntos.

Tila nawala sa kondis­yon ang Freego Jeans dahil maaga nilang tinapos ang Cebuana Lhuillier sa kanilang semifinals match na nauwi sa 2-0 sweep.

Ang Game Two ay itinakda sa Martes at kung mananalo pa ang Jeans Makers, ang deciding Ga­me Three ay gagawin sa Huwebes sa Ynares.

vuukle comment

ANG GAME TWO

CEBUANA LHUILLIER

CUP FINALS

D-LEAGUE ASPIRANTS

FREEGO JEANS

IAN SANGALANG

JEANS MAKERS

LEO AUSTRIA

LESTER ALVAREZ

ROAD WARRIORS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with