^

PSN Palaro

Ph Patriots, SMBeer asam ang panalo

-

MANILA, Philippines - Ikatlong panalo sa apat na laro ang parehong pagtutuunan ng AirAsia Philippine Patriots at San Miguel Beermen sa pagpapatuloy ng 3rd AirAsia ASEAN Basketball League ngayon sa magkahiwalay na lugar.

Sa Ynares Sports Arena sa Pasig City lalaro ang Patriots at makakaharap nila ang wala pang panalong Saigon Heat sa ganap na alas-7 ng gabi habang isang oras matapos magsimula ang labang ito ay sasalang naman ang Beermen laban sa Singapore Slingers sa Singapore Indoor Arena.

Parehong may 2-1 karta ang dalawang koponan mula sa Pilipinas pero mas napapaboran ang Patriots na makuha ang ikatlong pa­nalo dahil maituturing na mas magaan ang kanilang katunggali na mula bansang Vietnam dahil hindi pa ito nananalo matapos ang tatlong laro.

Agad na nakabangon ang koponan sa pagkaka­dapa sa Beermen gamit ang 86-73 dominasyon sa Indonesia nitong Sabado.  

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

IKATLONG

PASIG CITY

PHILIPPINE PATRIOTS

SA YNARES SPORTS

SAIGON HEAT

SAN MIGUEL BEERMEN

SINGAPORE INDOOR ARENA

SINGAPORE SLINGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with