^

PSN Palaro

1500 runners tatakbo sa Condura Skyway Marathon

-

MANILA, Philippines - Humigit-kumulang sa 15,000 runners ang inaasahang lalahok sa Condura Sky­way Marathon 2012: Run for the Mangroves--ang kauna-unahang midnight marathon--sa Pebrero 5 na magsisimula at magtatapos sa Filinvest sa Alabang.

Nasa pang limang edisyon, ang ga­me-changing annual footrace ang mu­ling naghamon sa mga marathoners sa na­sabing midnight race na dadaan sa Muntinlupa, Parañaque, Taguig, Pasay at Makati via Metro Manila Skyway.

Ang limang events - 3K, 5K, 10K, 16K, at 21K runs--ay nakalatag sa Condura Skyway Marathon, sumusuporta sa mangro­ves reforestation project sa Sibugay Bay, Zamboanga.

“We are proud to celebrate our fifth anniversary as we run through five cities in one go with all race categories going up the Skyway for the first time,” wika ni Ton Concepcion, ang founder at organizer ng Condura Skyway Marathon.

Ang naturang event ay nakalikom na ng P2 milyon para sa mga proyektong nangangalaga sa marine environment kagaya ng Tubbataha Reefs, ang whalesharks ng Donsol at ang dolphins ng Bohol.

Para sa on-line listup, maaaring mag- log-on sa www.conduraskywaymarathon.com.

ALABANG

BOHOL

CONDURA SKY

CONDURA SKYWAY MARATHON

DONSOL

FILINVEST

METRO MANILA SKYWAY

SIBUGAY BAY

TON CONCEPCION

TUBBATAHA REEFS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with