^

PSN Palaro

Karanasan laban sa determinasyon

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Karanasan laban sa de­­terminasyon.

Ganito maituturing ang magaganap na huling pagkikita sa pagitan ng NLEX Road Warriors at Big Chill sa pagtatapos ngayon ng PBA D-League Aspirants’ Cup semifinals sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Tabla ang best-of- three series sa 1-1 kaya’t ang mananalo sa larong itinakda ganap na alas-2 ng hapon ang siyang aabante sa Finals laban sa Freego Jeans.

Nasa nagdedepensang kampeon na NLEX ang momentum matapos iuwi ang 69-62 tagumpay sa Game Two noong nakaraang Huwebes.

Pero sa isang one-ga­me showdown, alam ni Road Warriors coach Bo­yet Fernandez na walang saysay ang momentum da­hil tiyak na lahat ng mga manlalarong magtatagisan ay ibubuhos ang lahat ng makakaya para makuha ang mahalagang panalo.

“Game Three ito at lahat ng mga stats at iba pa ay walang halaga. Pla­yers game ito at kung sino ang mga players na mas maglalaro ng maganda ang mananalo,” wika ni Fer­nandez.

Mas beterano at mas ma­lalim ang rotation ng NLEX lalo pa’t babalik sa mahalagang tunggalian si Calvin Abueva na nasus­pindi sa ikalawang tagisan dala ng fragrant foul na pinakawalan kay Jessie Collado.

Pero isang bagay na hindi pa nasisilayan sa koponan sa semifinals ay ang kanilang killer’s instinct.             

Sa huling laro ay naka­layo na ng 24 puntos ang NLEX pero nagkumpiyansa ang tropa at nakaba­ngon ang Superchargers at nakalamang pa. Pero hindi na naipagpatuloy ng Big Chill ang hangaring upset dahil sa mahusay na pagdadala ni RR Garcia.

Ang nangyari sa Game Two ang siyang sinasandalan ni Big Chill coach Arsenio Dysangco kung bakit kumbinsido rin siya sa kanilang tsansang manalo.

Kailangan lamang na huwag magpapadehado ang kanyang alipores sa mga mauunang yugto ng labanan para mas gumanda ang tsansang manalo.

Ang Freego Jeans ni coach Leo Austria ay naka­pasok na sa best-of-three Finals na sisimulan sa Huwebes matapos walisin ang Cebuana Lhuillier sa kanilang serye.

vuukle comment

ANG FREEGO JEANS

ARSENIO DYSANGCO

BIG CHILL

CALVIN ABUEVA

CEBUANA LHUILLIER

GAME TWO

PERO

ROAD WARRIORS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with