^

PSN Palaro

Rookie Of The Year

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Limang rookies ang nakatikim kung paano maglaro sa Finals sa 37th season ng Philippine Basketball As­sociation.

Ito’y sina Joseph Evans Casio, Marcio Lassiter, Rudy Lingganay at James Martinez ng Powerade Tigers at John Murphy “Pamboy” Raymundo ng Talk N Text Tropang Texters.

Sa limang ito, sina Martinez at Raymundo ang may pinakakaunting minuto. Understandable naman iyon, e. Marami silang kapalitan sa puwesto. Pero kahit paano ay nagamit naman sila.

Si Martinez, produkto ng University of the East, ay kinuha ng Barangay Ginebra sa nakaraang amateur Draft subalit hindi nakapirma ng kontrata. Mabuti na lang at may puwesto pang natitira sa Powerade at sinugalan siya ni coach Dolreich “Bo” Perasol. Kilala siya bilang isang scorer sa University Athletic Association of the Philippines subalit hindi gaanong napakinabangan sa huling season dahil sa nagkaroon siya ng injury.

Ang tanong ay kung mabibigyan siya ng pagkakataong makapag-pakitang gilas sa season na ito. Baka kasi hindi pa rin siya makapaglaro dahil sa may import na ang dalawang conferences na natitira.

Si Raymundo, na naging miyembro ng San Se­bas­tian College Stags na nagkampeon sa National Col­legiate Athletic Association noong 2009, ay kinuha ng Talk N Text sa second round. Kahit paano’y nagamit ito sa elimination round dahil sa may dinaramdam na injuries ang mga point guards na sina Jimmy Alapag at Ryan Reyes.

Pero pagdating ng playoffs, nabangko na si Raymundo. Kasi nga’y nakabalik na sa injuries ang mga star players ng Tropang Texters. E, nandiyan pa si Jason Castro na isa ring guwardiya. So, parang panakip bu­tas lang si Raymundo noong elims at ngayon at cheer­leader na lang siya sa bench.

Pero malay natin, baka siya lang ang rookie na magkamit ng kampeonato kung natapos na ang best-of-seven Finals ng PBA Philippine Cup at nagdiwang na ang Tropang Texters. Hindi kasi natin alam ang resulta ng Game Five habang isinusulat ito.

Sa panig ng Powerade, sina Casio, Lassiter at Ling­ganay ay gamit na gamit. Kabilang sila sa short ro­tation ni Perasol sa Finals.

Gaya ni Martinez, si Lingganay ay galing sa UE pero nakapaglaro naman siya sa Asean Basketball League bago pumanhik sa PBA. Kaya naman matibay na ang dibdib ng point guard na ito at hindi andap na atakihin ang mga malalaking kalaban. Hindi naman ganoon kahaba ang playing time niya dahil hati-hati sila sa minuto nina Casio at Celino Cruz.

Si Casio ang top pick ng Draft pero hindi agad nakapaglaro bunga ng injury. Katunayan, sa Finals ay may iniinda pa itong hamstring injury. Pero pinatunayan niya na karapat-dapat siyang piliin bilang No. 1. Si Casio ay produkto ng La Salle at kasama ni Lassiter na naglaro sa Smart Gilas Pilipinas.

Sa ilang rookies na nabanggit natin, tanging si Lassiter ang naging contender para sa Best Player of the Conference award dahil kasama siya sa top five statistical points leaders. Matindi din kasi ang all-around presence ni Lassiter.

So bale sina Gary David (na nagwagi silang Best Player of the Confe­rence) at Lassiter ang lumalabas na 1-2 punch ng Powerade.

Dahil nanalo nga si David, automatic na con­ten­der pa siya para sa Most Valuable Player award.

Ang tanong: Dahil ba sa nasa Top Five ng mga manlalaro ng PhilippineCup ay siya na ang may malaking tsansang ma­ging Rookie ofthe Year?

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

LASSITER

PERO

POWERADE

RAYMUNDO

SHY

SI CASIO

SIYA

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with