^

PSN Palaro

Quillotes, Hoshina sasabak sa Judo Grand Slam

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Lalahok sina SEA Games gold me­dalist Nancy Quillotes at Fil-Japanese Tomohiko Hoshina sa Judo Grand Slam sa Paris, France mula Pebrero 4 hanggang 5.

Ang torneo ay isinasagawa ng International Judo Federation at nais ng dalawang pambato ng bansa na makakuha ng panalo para mapalaki ang tsansa nilang makapasok sa London Olympics.

Ang mangungunang 22 judokas sa kala­lakihan at 14 sa kababaihan sa lahat ng weight divisions sa talaang ipalalabas sa Mayo 1 ay makakasali sa London Ga­mes.

Si Quillotes ay nasa ika-68th puwesto sa women’s -48 kgs tangan ang 49 puntos habang si Hoshina ay nasa ika-99th puwesto sa men’s +100 kgs tangan ang 27 puntos.

Puwede ring makapasok sa Olympics gamit ang Continental qualification, IF quota at tripartite commission placing.

Ang mga puntos na makukuha ng isang judoka ay base sa kanilang magi­ging puwesto sa Grand Slam, World Cup, Grand Prix, Masters, Continental at World Championships mula Enero hanggang Mayo.

Balak din isali ang dalawang judokas sa Asian Championships sa Abril sa Uz­bekistan.

Sina John Baylon at Benjamin McMurray ang huling mga Pinoy na nakalaro sa Olympic sa Judo noong 1988 Seoul Olym­pics.

Matapos ang edisyong ito ay nagpairal na ang IJF ng mga qualifying standards para matiyak na mga karapat-dapat na atleta lamang ang makakasali sa pina­ka­prestihiyosong torneo sa mundo na gina­gawa tuwing apat na taon.

ASIAN CHAMPIONSHIPS

FIL-JAPANESE TOMOHIKO HOSHINA

GRAND PRIX

GRAND SLAM

INTERNATIONAL JUDO FEDERATION

JUDO GRAND SLAM

LONDON GA

LONDON OLYMPICS

NANCY QUILLOTES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with