^

PSN Palaro

Raymundo sa Ginebra na maglalaro

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines -  Sapat na ang isang kom­perensya na naka­sama ni B-Meg head coach Tim Cone si Kerby Raymun­do para ikunsidera niya itong ‘highlight’ ng kanyang coaching career.

“Wish the best for Kerby. One of the highlights of my career will be coaching him for that one confe­rence. I wished he could ha­ve stayed,” wika kahapon ni Cone sa kanyang Twitter account.

Tuluyan nang pinaka­walan ng Llamados ang 6-foot-6 na si Raymundo sa pamamagitan ng isang three-team trade na kinasasangkutan rin ng Ginebra Gin Kings at Barako Bull Energy.

Sa katunayan ay noong nakaraang PBA season pa gusto ni Raymundo na lumipat sa Ginebra, ngunit pinakiusapan lamang siya ni Cone na maglaro para sa B-Meg sa 2011-2012 PBA Philippine Cup.

Tumapos ang Llama­dos na fifth-placer sa nasa­bing season-opening conference.

Inaprubahan na ni PBA Commissioner Chito Salud ang proposed trade sa pa­gitan ng B-Meg, Ginebra at Barako Bull at kinabilangan ng limang players at ng ilang future draft picks.

Para makuha si Raymundo, ibinigay ng Gin Kings sa Llamados sina JC Intal at ang 2012 second round draft pick ng Energy na nakuha nito mula sa Shopinas.com, nga­yon ay Air21 Express, sa isang nakaraang trade.

Sina Ronald Tubid, roo­kie center Reil Cervantes at ang 2014 se­cond round pick ng Ginebra ang napunta sa Barako Bull kapalit ni rookie Dylan Ababou.

Nagkaroon rin ng trade sa pagitan ng Meralco at Air21 kung saan dinala ng Bolts sina Bitoy Omolon at Mark Isip sa Express para kina Mark Canlas, Dennis Daa at ang 2012 first pick nito.  

vuukle comment

B-MEG

BARAKO BULL

BARAKO BULL ENERGY

BITOY OMOLON

COMMISSIONER CHITO SALUD

DENNIS DAA

DYLAN ABABOU

GINEBRA

RAYMUNDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with